Kasama rin ang mga malalaking siyudad sa binibigyan ng ultimatum para tanggalin ang mga nakaharang na illegal vendors sa mga kalsada.
Tinukoy ni Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing ang Cebu City, Iloilo, Tacloban, Davao at Cagayan De Oro City na anya’y malaki rin ang problema sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Sinabi ni Densing na pinagsabihan na nila ang mga konseho sa Metro Manila at mga nabanggit na syudad sa lalawigan na kung mayroon man silang ordinansa na kumokontra sa direktibang tanggalin ang obstruction sa mga kalsada ay dapat pa amyendahan na ito.
Kasama anya sa direktiba ng DILG sa mga dapat linisin ang national, primary, secondary at maging ang inner roads.
Pag-release ng MC sa Lunes, start na ‘yon ng 45 days. Pwede na sila actually magstart na magbaklas ng mga illegal structures or structures sa kalsada at bangketa. Pero maganda mabigyan din kami ng overview na road netword ng bawat lungsod para ma-emphasize po na talagang nakapa-importante ito para masunod ang direktiba ni Pangulong Duterte,” ani Densing.
Ratsada Balita Interview