Ipamamahagi na sa iba’t ibang lugar sa bansa ang COVID-19 vaccines na mag-e-expire na ngayong Disyembre at Enero ng susunod na taon.
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na masusi nilang binabantayan ang lahat ng mga bakuna sa mga areas na kanilang pinagdalhan.
Sa ngayon gumagawa na aniya sila ng hakbang upang hindi masayang ang mga mapapaso nang mga bakuna.
Layon aniya nito na magamit ang lahat ng mga expiring vaccine bilang first dose, at masigurong hindi masasayang.