Dapat pang tulungan ng gobyerno ang mga maliliit na online sellers o online entrepinoys sa pamamagitan nang pagbibigay ng dagdag na puhunan at iba pang tulong pinansyal para mapalago ang kanilang negosyo.
Ayon ito kay Senador Sherwin Gatchalian sa halip na patawan ng buwis ang online sellers.
Dapat aniyang isama ang online sellers sa micro financing program ng small busness corporation na isang gobernment owned and controlled corporation na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ni Gatchalian na may P1-B pondo ang small business corporation para matulungan ang mga maliliit na negosyo o micro and small businesses kayat wrong timing at insensitive ang plano ng BIR na buwisan ang online sellers. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)