Pansamantalang ipagbabawal ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang mga maliliit na truck sa EDSA at Shaw Boulevard simula sa Miyerkules, Marso 15.
Ayon sa MMDA, isasagawa ang trial run sa nabanggit na petsa sa EDSA at Shaw Boulevard mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi na naglalayong maibsan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa EDSA.
Sakop ng nasabing bagong sistema ang mga maliliit na truck na may gross capacity na 4,500 kilograms pababa.
Ipinabatid ni MMDA General Manager Tim Orbos na ang bagong sistema na ito ay kabilang sa mga inaprubahan ng Metro Manila Council nang maglatag sila ng mga solusyon sa traffic sa Metro Manila.
By Meann Tanbio