Malalaking mall, food chains at mga hotel.
Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang priority nilang imbestigahan kaugnay sa mga reklamong pagpapatupad ng contractualization at endo o end of contract.
Sinabi sa DWIZ ni Bello na kasama na rin sa mahigpit nilang iniimbestigahan laban sa mga sumbong na endo at contractualization ang mga kumpanyang nasa manufacturing sector.
Bahagi ng pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III
By Judith Larino | Ratsada Balita