Posibleng mapasarang muli ang mga mall sa sandaling mabigo silang panatilihin ang physcial distancing sa mga mallgoer.
Ito ang babala ng Joint Task Force COVID-19 Shield matapos dagsain ng publiko ang mga mall sa Metro Manila kahapon, unang araw ng modified enhanced community quarantine.
Ayon kay Joint Task Force COVID-19 P/LtG. Guillermo Eleazar, maliban sa pagpapasara sa mga mall, sasampahan din nila ito ng kaso dahil sa paglabag sa quarantine protocols.
Inatasan na rin niya ang mga police commander na tutukang maigi ang galaw ng publiko sa loob ng mga mall upang tiyaking nasusunod ang quarantine protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng facemask.
Kahapon, ininspeksyon ni Eleazar ang ilang mall sa Metro Manila at kuntento naman siya sa naging latag ng seguridad sa naturang lugar.
Nakita naman natin ‘yung measures na in-implement para makatulong dito sa pag-observe ng social distancing, so sa labas pa lang ay mayroong pila o may upuan. Para sa observing social distancing at ina-allowed nilang pumapasok sa loob ay ‘yung computed na nilang numbers of persons completely accomadated. ani Eleazar sa panayam ng DWIZ