Nagkasundo na ang MMDA o Metropolitan Manila Development Authority at ang mga mall owners na i-urong ang kanilang operating hours.
Layon nitong makatulong para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila ngayong panahon ng kapaskuhan.
Batay sa napagkasunduan, gagawin nang alas 11:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng gabi ang operating hours ng mga mall mula sa dating alas 10:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi.
Kasunod nito, papayagan lamang ang delivery sa mga mall mula alas 11:00 ng gabi hanggang ala 5:00 ng umaga kinabukasan upang maiwasang sumabay ang mga ito sa rush hour.
Gayunman, nilinaw ni MMDA Assistant General Manager for Planning Jojo Garcia na exempted sa ban ang mga delivery truck na naglalaman ng mga perishable goods tulad ng pagkain at iba pang produktong madaling masira.