Ininspeksyon ng BFP o Bureau of Fire Protection ang mga mall sa Tutuban Area sa Divisoria, Maynila.
Ang inspeksyon ay pinangunahan nina NCR-BFP Director Chief Supt. Leonard Maniago at Manila Fire Marshall Jaime Ramirez.
Partikular na tiningnan ng mga opisyal kung nakakasunod sa fire code ang mga nasabing mall.
Sinilip din ng BFP kung kumpleto ang pasilidad ng mga mall tulad ng fire extinguishers, sprinklers, alarm system, circuit breaker at fire hazards.
Namahagi rin ng poster at leaflet hinggil sa iwas-sunog tips ang mga otoridad.
Mula December 17 ay 24 na malalaking sunog na ang naganap na ikinasawi ng 14 katao.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)