Mas late nang magbubukas ang mga mall sa Metro Manila tuwing weekdays simula November 11.
Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA matapos anilang pumayag ng mga pamunuan ng mga mall na magbukas ng alas 11:00 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes.
Ayon sa MMDA, layunin nitong makatulong na maibsan ang nararanasang mabigat na daloy ng trapiko lalo na ngayong paparating na holiday season.
Ipatutupad ang adjusted operating hours ng mga mall hanggang January 10 ng susunod na taon.
Maliban dito, bawal na ang pasasagawa ng sale ng mga mall tuwing weekdays habang magtatalaga naman ng mga karagdagang tauhan ang mga mall operators para pangasiwaan ang pagpasok ng mga sasakyan sa kani-kanilang parking areas.
Suspendido na rin ang pagsasagawa ng road re blocking o iba pang pagsasaayos sa mga kalsada sa EDSA at C5 bukod sa mga major government projects.