Kinondena ni Pope Francis ang magkakasunod na karahasan sa Syria, Afghanistan maging ang tensyon sa Korean Peninsula.
Sa kanyang Easter Message sa pinangunahang misa sa Saint Peter’s Basilica sa Vatican, binatikos ng Santo Papa ang mga “malupit na rehimen” na dahilan ng nagpapatuloy na kaguluhan at digmaan.
Gayunman, nanawagan din ang pinuno ng Simbahang Katolika sa mga world leader na maghinay-hinay upang maiwasan ang pagkalat ng karahasan.
Nananalangin din si Pope Francis na gabayan ng Diyos ang mga pinuno ng bansa at bigyan ang mga ito ng katatagan na kanilang kailangan upang mapigilan ang paglawak ng kaguluhan maging ang arms trade.
Samantala, nanawagan din ang Santo Papa ng kapayapaan sa South Sudan, Sudan, Somalia, Congo at Ukraine.