Nakasanayan na natin na mga inumin at mga pagkaing kutkutin ang nakikita at nabibili natin sa mga vending machines na nakakalat kung saan-saan, kung kaya naman aakalain mo ba na magkakaroon ng vending machine na kung saan ay mga pabango ang babayaran mo?
Kung saan ito nagsimula, alamin.
Kung nagmamadali ka at nakalimutan mong magpabango o di naman kaya ay gusto mong makasubok ng iba’t-ibang brands ng perfume nang hindi gumagastos ng malaking halaga, may sagot diyan ang kumakalat ngayon sa social media na kakaibang klase ng vending machine na kung saan ay iba’t-ibang klase ng perfume ang binabayaran at hindi pagkain.
Mayroong klase ng perfume vending machines na sa isang pindot lang sa button matapos mong magbayad ay maii-spray-an ka na ng pabangong napili mo. Pero mayroon din namang tipikal na vending machine na nakasanayan natin na kung saan ay makukuha mo ang mismong perfume na nakabote.
Ngunit, ang perfume vending machines na ito ay nauso na pala noon pang 1950s sa U.S.A sa brand na “Parfumatic” at naging trending na lamang ulit kamakailan.
Hindi naman maipagkakaila na tamang-tama lang ang pagbabalik ng machines na ito lalo na at mabilis na lamang ang takbo ng panahon ngayon, marami nang tao ang laging on-the-go at prayoridad ang kanilang convenience.
Sa kasalukuyan, mayroon na ring brand sa Dubai na “The Smart Vendor” na nag-didistribute ng smart vending machines na ang nilalaman naman ay mga pabango at makeup.
Makikita naman sa social media kung gaano tinanggap ng mga tao ang muling pagbabalik ng perfume vending machines dahil marami ang nagtatanong tungkol sa presyo nito at nagnanais na madala ito sa kani-kanilang mga bansa.
Ikaw, tatangkilikin mo rin ba ang perfume vending machines kung mayroon nito sa Pilipinas?