Pinag-iingat ng pamahalaan ng Canada ang mga mamamayan nito na nasa Pilipinas kasunod ng kidnapping incident sa Samal Island, Davao del Norte.
Sa inilabas na advisory ng Canada, pinayuhan nila ang kanilang mga kababayan na nasa bansa na iwasang bumiyahe at magtungo sa armm dahil sa seryosong banta ng pag-atake ng mga terorista at kidnapping.
Nag-abiso rin ito na iwasang magtungo sa Zamboanga peninsula at sa mga probinsya ng Sarangani, Lanao del Norte, Davao del Norte, Davao del Sur, pero hindi kabilang ang mismong Davao city.
Pinaiiwasan din sa mga Canadian nationals ang Davao Occidental, Davao Oriental, Cotabato, South Cotabato at Sultan Kudarat.
Sakaling kailanganing bumisita ng kanilang mga kababayan sa mga nabanggit na lugar, sinabi ng Canadian government na tiyakin na lamang ng mga ito ang kanilang seguridad at mag-ingat.
By: Meann Tanbio | Allan Francisco