Nanawagan ang mga opisyal ng Lanao Del Sur sa pamahalaan na tiyaking hindi lamang sa opensiba kontra Maute tututok ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay ARMM Assemblyman at Lanao Del Sur Provincial Disaster Management Chief Zia Alonto Adiong, dapat ding maibibigay ang pangangailangan ng mga nagsilikas na residente ng Marawi City.
Bagama’t bukas ang mga mamamayan ng lalawigan sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang deklarasyon sa Mindanao, sinabi ni Adiong na mahalaga pa rin na mailatag muna ang recovery plan para sa Marawi City.
Pinaka-kailangan ngayon ayon kay Adiong ay ang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente na apektado ng bakbakan sa Marawi sa ilalim ng batas militar.
By: Jaymark Dagala
Mga mamamayan ng Lanao del Sur bukas sa idineklarang martial law sa Mindanao was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882