Pinaba-blacklist ng ilang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kumpaniyang Sanofi Pasteur sa lahat ng uri ng kontrata sa pamahalaan.
Ito ang inihayag nila Ako-Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe at Surigao Del Sur Rep. Robert Ace Barbers makaraang tumanggi ang Sanofi na i-refund ng buo ang tatlo’t kalahating bilyong Pisong ibinayad ng pamahalaan para sa nasabing bakuna.
Ayon kay Barbers, hindi dapat matakot ang gubyerno sa isang multinational company tulad ng Sanofi dahil malinaw namang palpak ang kumpaniya sa paggawa ng Dengvaxia.
Para naman kay Batocabe, bagama’t hindi maaaring pilitin ang Sanofi kung ayaw nitong irefund ang mga ibinayad sa kanila, dapat gumawa ng iba pang paraan ang gubyerno tulad ng pagsasampa ng kaso laban dito.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio