Bukas ang pamahalaan sa plano ng ilang mambabatas na imbestigahan ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga hinihinalang drug pushers at users.
Sinasabing kabilang na rito ang ilang awtoridad na umano’y patong sa illegal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi nila mamasamain ang plano basta’t matiyak lamang na mayroong pruweba at matibay na ebidensiya laban sa mga inaakusahan.
Aniya, malinaw naman ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang kampanya laban sa illegal na droga.
Sinabi ni Abella na huwag ibase sa puro ispekulasyon at kung mayroong reklamo ay marapat lamang na maimbestigahan ito.
Nauna rito ay pinuna ng ilang Human Rights Groups ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga hinihinalang sangkot sa illegal na droga na tila hindi na umano dumadaan sa proseso ang mga ito.
Mismong si human rights Lawyer Atty. Manuel Diokno ay nagsabing tila wala na sa kontrol ang kampanya laban sa droga.
Ito’y dahil baril na umano ang naghuhukom sa halip na ang batas ang magtatakda ng hustisya.
By: Jelbert Perdez