Pinag-aabsent na lamang ng liderato ng kamara ang mga mambabatas na boboto kontra sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito ang ibinunyag ni Gabriela Partylist Rep. Luzviminda Ilagan na layunin ng liderato ng kamara na tiyaking makalulusot sa plenaryo ang nasabing panukala.
Isiniwalat din ni Ilagan na may ilang mambabatas na ang nakatanggap ng nasabing atas mula sa House Leadership dahil kinakailangan aniya ito para makasigurong mga kongresistang pabor lang sa BBL ang siyang makaboboto.
Batay sa house rules, kinakailangan ang two/thirds ng lahat ng mga mambabatas ang pumabor sa isang panukalang batas para ganap itong maipasa sa plenaryo.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)