Pinaghihinay-hinay ni Senator Franklin Drilon ang mambabatas sa pagpasa ng panukalang pag-amyenda sa konstitusyon.
Ayon kay Drilon, hindi maaaring madaliin ang Charter Change tulad ng iba pang panukalang batas dahil anumang desisyon dito ay maaaring makaapekto sa buhay ng mga Pilipino ng susunod pang henerasyon.
Hinikayat nito ang Kongreso na dumaan sa proseso tulad ng committee system kung saan maglalabas ng draft report ang komite at saka idadaan sa debate.
Sa halip na isulong ang pederalismo at no-el scenario, sinabi ni Drilon na dapat bigyang solusyon sa ngayon ay ang pagtaas presyo ng pangunahing bilihin, unemployment at krimen.
—-