Nagpahayag ng iba’t ibang suhestiyon at panukala ang ilang senador ng Amerika kay US President Donald Trump hinggil sa pansamantalang government shutdown na ipinatupad nito.
Himok ng ilang senador, magdeklara na ng national emergency si Trump para tuluyan ng wakasan ang pinakamahabang pansamantalang government shutdown na naitala sa kasaysayan ng Amerika.
Sinabi naman ni Republican Senator Ron Johnson na wala pa ring katiyakang mapondohan ang mahigit limang bilyong dolyares na proyekto para sa konstruksiyon ng US-Mexican border.
Suhestiyon ni Senador Lindsey Graham, kung maaari ay buksan muna ang tanggapan ng gobyerno kahit sa loob lamang ng tatlong linggo.
Samantala, nagbabalak namang magpasa ng panukala ang ilang senador kaugnay sa pagbabayad sa mga federal employees na apektado ng pansamantalang government shutdown.