Naniniwala si vice president leni robredo na magkakasubukan ang mga mambabatas sa usapin ng pagbabalik sa parusang kamatayan.
Kasunod ito ng banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tatanggalan ng posisyon sa Kamara ang mga mambabatas na hindi papabor sa nasabing panukala.
Ayon sa Bise Presidente, prinsipyo at kapangyarihan ang nakataya sa usapin kaya’t publiko na ang hahatol kung sinu-sino ang may paninindigan sa kanila.
“Why hindi ako agree sa ganitong strategy, I think defining moment din ito sa mga members ng House of Representatives lalo na dun sa mga humahawak ng mga leadership positions ngayon.”
“When I say defining moment, ito yung chance nila para ipakita kung ano yung mas mahalaga, ano yung mas mahalaga sakanila, to hold on to their positions o panindigan yung kanilang paniniwala.”
By Jaymark Dagala / Race Perez
Photo Credit: VP Leni Robredo's Facebook Account