Pinayuhan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga mamimili na kontrolin ang pagbili ng mga pangunahing produkto lalo ngayong nalalapit ang Pasko, para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Batay sa ulat, ang inflation rate noong Setyembre ay bumilis sa 6.9% mula sa 6.3% noong Agosto dahil sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo.
Ayon kay Deputy Director General of the National Development Office (NDO), Rosemarie Edillon, nang dahil sa inflation tumaas ang demand at kakaunti lang ang mga produktong nabibili.
Pinayuhan nito ang mga mamimili na gawing simple ang pagdiriwang ng Pasko at holiday celebrations.
Samantala, tiniyak ng pamahalaan na mayroong mga nakahandang programa para palakasin ang produksyon. —sa panulat ni Jenn Patrolla