Dalawang araw bago magpasko, nagdagsaan ang mga mamimili sa ilang mga tindahan sa Divisoria.
Dahil sa dami ng mga namimili, hindi na nasunod ang health and safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan kabilang na ang physical distancing.
Ayon sa ilang mga mamimili, dala man nila ang takot na baka mahawahan ng virus ay nais parin nilang maging mas masaya ang pagdiriwang ng kanilang pasko maging ang pagsalubong ng bagong taon.
Ang Divisoria ay kilalang pamilihan sa murang halaga kung saan, patok na bilhin ng mga mamimili ang mga damit at shorts na pambata maging ang mga t-shirt at blouse.—sa panulat ni Angelica Doctolero