Apektado ng African Swine Fever (ASF) ang bentahan ng Christmas ham.
Ito ang inihayag ng Philippine Amalgamated Supermarkets Associations.
Ayon kay Association President Steven Cua, tila hindi gaanong interesadong bumili ang mga mamimili ng tradisyunal na ham na karaniwang inihahanda tuwing noche buena.
Ani Cua, marami pa rin ang mga kumpaniyang namigay ng hamon sa kanilang mga empleyado pero kakaunti lang aniya ang mga bumibili ng ham para ibenta o ihanda mismo sa pasko.
Ramdam umano ang pag-aalinlangan ng mga mamimili na maghanda ng hamon dahil marami naman anilang iba pang pagkain na maaaring ihanda at mas ligtas.