Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magpaturok na ng COVID-19 vaccine ang mga manggagawa.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, lahat ng empleyado sa pribadong sektor maliban sa mga may kalagayang pangmedikal ay lubos na hinihikayat na magpabakuna.
Dagdag ni Bello, dapat na hikayatin ng mga employer ang mga mga manggagawa nito na magpabakuna sa mga lokal na pamahalaan man nito o sa mismong vaccination program ng kompanya.
Aniya, 80% hanggang 90% ng mga empleyado ang kailangang mabakunahan para makakuha ng herd immunity.
Samantala, ayon naman sa Employers Confederation Of The Philippines (ECOP), malaking tulong ang pagbabakuna ng Pangulong Duterte sa harap ng publiko nitong Lunes upang makubinsi ang mga nag-aalangang manggagawa na magpabakuna.