Mahigit kalahati o 55% ng workforce o mga manggagawa sa bansa ang nakaramdam ng matinding stress dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Batay ito sa isinagawang mobile phone poll ng Social Weather Station (SWS) kung saan nakasaad din na 68% ng mga nakaranas ng matinding stress ay mula sa mahigit apat na milyong pamilya na nagutom o hindi nakakain ng sapat sa nakalipas na tatlong buwan matapos isailalim sa lockdown ang luzon dahil sa COVID-19.
Lumalabas din sa nasabing survey na 35% ng workforce ay nakaranas ng bahagyang stress at labing isang porsyento naman ang nakaramdam ng kaunti o halos walang stress.
Ang naturang survey ay isinagawa sa mga Pilipinong nagtatrabaho na at may edad kinse pataas mula Mayo 4 hanggang 10.