Nabigo ang mga manggagawa na makarinig ng magandang balita mula kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdirwang ng Labor Day o araw ng paggawa.
Sa kanyang talumpati sa Peoples Park sa Davao City, walang binanggit na anunsyo para sa dagdag sahod o kaya’y benepisyo mula sa gobyerno ang mga arawang obrero.
Taliwas ito sa inilabas na mayroong sorpresa si Pangulong Duterte para sa mga manggagawa sa labor day.
Sa halip, inihayag ng Pangulo na maglalabas ito ng isang Executive Order na magpapatupad ng istriktong implementasyon ng ENDO o end of contractualization.
Kukuha aniya ng dagdag na labor inspectors para magbantay sa iba’t ibang kumpanya sa bansa na kilalang nagpapatupad ng ENDO sa kanilang mga empleyado.
Hinimok din ng Pangulo ang mga labor union na i-report sa gobyerno ang mga nagpapatupad ng ENDO upang agad na maaksiyunan sa sandaling ipatupad na ang mahigpit na pagbabawal sa kontraktuwalisasyon.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping