Pumalo na sa mahigit 1-milyong mga manggagawa ang naapektuhan ng krisis dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), lumalabas na nasa 1,049,649 ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan ang kabuhayan dahil sa virus, ito anila ang pinakamataas na bilang ng displacement sa bansa.
Sa datos, ang Metro Manila ay nakapagtala ng higit 200,000 displaced workers, na sinundan naman ng Central Luzon na may higit 100,000.
Kasunod nito, muling nanawagan si Labor secretary Silvestre Bello III sa mga employers at sa mga malalaking kumpanya na magbigay ng tulong sa kani-kanilang mga empleyado sa harap ng mas pinalawig na enhanced community quarantine sa Luzon.