Nanawagan ng tulong sa gobyerno ang mga manggagawa na apektado ng pagsasara ng kompanyang Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines.
Matatatandaang kahapon ay tuluyan nang itinigil ng Hanjin ang operasyon nila sa paggawa ng mga barko matapos i-anunsiyo ang kanilang pagkakabaon sa utang sa mga lokal na bangko.
Ginawa ang hakbang matapos maghain sa korte ng application for rehabilitation at bankruptcy ang hanjin kung saan mawawalan ng trabaho ang skeletal force na higit isang daang opisyal at tatlong libong empleyado. Subalit natuklasan na matagal nang sinimulan ang pagbabawas sa kanilang hanay.
Kabilang sa mga dating trabahador ng hanjin si Rasty Esperas na ngayo’y nagtitinda na lang muna ng isda mula nang mawalan ng trabaho sa naturang kompanya.