Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na ang mga manggagawa na hindi makakaboto sa mismong araw ng eleksiyon sa May 9, 2022 ay maaari maghain ng aplikasyon para sa Local Absentee Voting (LAV).
Batay sa resolusyon, binanggit ng poll body na ang mga indibidwal na nais maging bahagi ng LAV ay puwedeng magsumite ng ‘duty accomplished form’ o ang LAV Form No. 01 hanggang March 7, 2022.
Saklaw ng absentee voting ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, kabilang ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines o AFP, at Philippine National Police (PNP), gayundin ang mga kasapi ng media o media practitioners at ang kanilang technical & support staff.
Ang mga local absentee voters ay papayagang bumoto mula April 27 hanggang 29, 2022, bandang alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.