Hindi maaaring ituring na “absent” ang mga empleyadong hindi papasok sa November 29 at December 1 para magpabakuna kontra Covid-19.
Ito ang paalala ng Department of Labor and Employment sa mga employer, makaraang ideklara ng pamahalaan na “special working days” ang una at ikatlong araw ng national vaccination day.
Ayon kay DOLE Assistant Secretary Tess Cucueco, pinaka-incentive na ito ng mga employer sa kanilang mga empleyado na nais magpabakuna.
Target ng gobyerno na makapagbakuna ng 15 milyong indibidwal sa tatlong araw na covid-19 vaccination drive. —sa panulat ni Drew Nacino