Posibleng mag-aklas ang mga manggagawang mahirap kung patuloy na babaliwalain ng gobyerno ang lumalalang kahirapan dulot ng kawalang trabaho, mababang sweldo at kontraktuwalisasyon.
Ayon kay Associated Labor Unions o ALU Spokesman Alan Tanjusay, napipilitan ang mga pinakamahirap na salakayin ang mga imbakan ng bigas, okupahin ang mga government housing unit at angkinin ang mga lupain na hindi sa kanila dahil sa mga naturang problema.
Bagaman hindi anya nila kinukundena o kinukunsinte ang mga naturang iligal na gawain, iniuugnay naman nila ito sa mga serye ng kawalan ng batas bilang sintomas ng iresponsableng gobyerno at hindi makataong mga employer at kapitalista.
Kahapon, tinaya sa 1000 manggagawa ang lumahok sa kaliwa’t kanang kilos protesta sa iba’t ibang panig ng bansa bilang selebrasyon ng labor day.
By: Drew Nacino