Nasa 3,000 manggagawang naapektuhan ng Bagyong Usman sa Bicol region ang pagkakalooban ng trabaho ng Department of Labor and Employment o DOLE.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, naglaan na ang kagawaran ng inisyal na sampung milyong pisong short –term income support para sa mga apektadong manggagawa at kanilang pamilya.
Ito’y ang nabanggit nasa ilalim ng programang tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged-displaced workers.
Karamihan sa mga naapektuhang pamilya ay magsasaka at farm worker.