Halos 17,000 ang naapektuhan o pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa dalawang linggong pagpapairal ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus o Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
Ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III kung saan galing mismo sa mga kumpanya ang bilang ng mga naapektuhan ng ECQ sa NCR Plus.
Sinabi sa DWIZ ni Bello na kung tutuusin ay hindi nawalan ng trabaho ang karamihan sa mga ito at sa halip ay nabawasan lamang ang working hours o sumailalim sa flexible working arrangements.
Kasunod na rin ito ng report na nasa 250,000 ang nawalan ng trabaho sa nakalipas na dalawang linggong paghihigpit sa NCR Plus.
Nabawasan ang working hours nila, ‘yung tinatawag na flexible working arrangement. Imbes na pumasok ng limang araw sa isang linggo, ginagawa nalang dalawa o tatlong araw na lang,” ani Bello. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas