Binigyang-pugay ni Labor Secretary Silvestre Bello ang milyon-milyong manggagawang Pilipino ngayong Labor Day.
Ayon kay Bello, kung tutuusin, kulang ang pagkilala sa mga manggagawa tuwing Araw lamang ng Paggawa dahil ang mga manggagawa anya ang nagpapakilos sa ekonomiya ng isang bansa.
Kaya naman hindi anya tumitigil ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbuo ng programa para ibangon ang tinatayang 2-milyong manggagawa na nawalan ng trabaho sa panahon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic dahil sa pagsasara ng ilang negosyo.
Hindi lang sana sa araw ng Mayo, araw-araw dapat pinagpupugayan natin itong ating mga OFW at lahat ng mga manggagawa. Sa ating lahat, mga minamahal nating labor workforce, happy Labor Day,” ani Bello.
Sinabi ni Bello na target nila na makalikha ng kahit 1-milyong trabaho sa post COVID-19 recovery plan.
Kabilang anya sa plano nila ang pagdulog sa Deparment of Public Works na dagdagan ng 10% hanggang 20% ang kanilang manggagawa sa mga proyekto sa probinsya.
..between 10 to 20% at kailangan ang kukunin nila ‘yung ating mga kababayan na taga-probinsya pero nandito sa Maynila para magbalik-probinsya sila, doon na sila magtrabaho,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas