Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na gawing election offense ang reklamo ng mga botante na ang layon lamang ay makapanggulo.
Inihalimbawa ni COMELEC Chairman Andres Bautista ang tangkang paglabas ng resibo mula sa polling precinct dahil mahigpit na ipinagbabawal ito at dapat lamang na iiwan sa board of election inspector (BEI) matapos masuri kung akma ito sa ibinoto.
Pinag-iisipan din ng poll body na kasuhan ang maghahain ng reklamo ng walang basehang akusasyon na ang layon lamang ay ang siraan ang kredibilidad ng halalan.
Voter receipt
Sinagot ng Commission on Elections ang katanungan ng publiko hinggil sa paggamit ng voter’s receipt.
Karamihan sa tanong ng mga botante ay kung hindi tumugma ang nakalagay na pangalan sa resibo na may shade sa balota.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, dapat ireport agad ito ng botante sa Chairman ng Board of Election Inspector saka ito ino-note ng BEI at isasama sa minutes ng meeting.
Agad namang nilinaw ni Bautista na hindi agad mareresolba sa mismong araw na iyon ang reklamo ng isang botante.
By Meann Tanbio | Allan Francisco (Patrol 25)