Hindi pipigilan ng gobyerno ang mga mangingisda na pumalaot sa mga isla sa West Philippine Sea, subalit pinag-iingat ang mga ito.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na wala namang direktiba mula sa gobyerno para pigilan ang mga mangingisdang Pinoy na magtungo sa nasabing karagatan.
Ipinabatid ni Abella na bahagi ng ilalabas nilang sagot pagbalik ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay sa bansa mula sa Mongolia kaugnay sa naging Ruling ng Permanent Court of Arbitration sa West Philippine Sea ay ang kapakanan ng mga mangingisdang nagtutungo sa mga pinag-aagawang terittoryo.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping