Namahagi ng tulong pinansiyal si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa mga mangingisda at magsasaka na apektado ng mga pag-ulan at pagbaha sa Northern Mindanao.
Pinangunahan ni PBBM ang pamimigay ng tig-limang libong piso sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program sa Gingoog City Hall sa Gingoog, Misamis Oriental.
Tiniyak ng Pangulo na tutulungan ang mga residente na maitayo muli ang kanilang mga tirahan.
Sa ginanap na situation briefing, iniulat ng lokal na pamahalaan ng Gingoog [Hingoog] na umakyat na sa 18,452 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Nasa 45 sa 59 na barangay ang apektado ng kalamidad kung saan karamihan sa mga napuruhan ay mula sa mga coastal areas.