Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapakanan ng mga magsasaka sa bansa sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) ng pamahalaan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa televised address ng Pangulo, sinabi nito na ang mga magsasaka at mangingisda na maituturing na kabilang sa poorest sector ay makatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan sa gitna ng krisis na ating pinagdaraanan.
Magugunitang, isinabatas na ng Pangulo ang Bayanihan To Heal As One Act na nagbibigay sa kaniya ng karagdagang kapangyarihan para tugunan ang pangangailangan ng bansa sa pangkalusugan kontra virus, sa pagpapabuti ng ating ekonomiya maging ang pagtugon sa ilang mga epekto ng COVID-19.
Kasunod nito, puspusan na raw ang paghahanda ng pamahalaan para agad na maipabot ang tulong nito sa mga magsasaka at mangingisdang malubhang naapektuhan ng krisis dala ng COVID-19.
Sa panulat ni Ace Cruz.