Nakararanas na ng trauma o matinding takot ang mga mangingisda mula sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito’y matapos ang makailang beses na pagtataboy sa kanila ng Chinese Coast Guard sa tuwing papalaot at mangingisda sa bahaging Scarborough Shoal.
Kuwento ng mga mangingisda, kinakanyon sila ng tubig ng mga Chinese Coast Guard dahilan upang magdulot ito ng matinding takot sa kanila.
Una nang umapela ang mga mangingisda sa pamahalaan na bigyang pansin ang ginagawang pagtataboy sa kanila ng mga Tsino sa naturang bahura na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa.
By Jaymark Dagala