Bahagyang nakaramdam ng kapanatagan at tila nabawasan ng takot ang mga mangingisda sa Zambales at Pangasinan.
Ito’y matapos ang paborableng desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal sa inihaing kaso ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Aminado ang mga mangingisda na may kaunti pa rin silang takot na nararamdaman subalit batid nilang kakampi naman nila ang United Nations.
Dahil dito, makapangingisda na anya silang muli sa Panatag o Scarborough Shoal pero hindi naman nila matiyak kung haharangin pa rin sila ng Chinese Coast Guard.
By Drew Nacino