Tinutulan ng mga mangingisda ang paggiba ng mga tahungan at saprahan sa bahagi ng Manila Bay.
Ayon sa mga mangingisda sa La Huerta, Parañaque, huwag naman sana itong gawin dahil ito ang pangunahing pinagkukunan nila ng pangkabuhayan sa araw-araw.
Sa isang maikling protesta ng higit apatnapung mga mangingisda sa baybayin ng Parañaque River, kita ang mga katagang hindi basura ang mga tahong na kanilang pinagkakakitaan maging ang dapat na mariing pagtutol sa demolisyon sa kanilang hanay.
Mababatid na nakatakdang simulan ang planong paggiba sa kanilang mga tahungan at saprahan sa Setyembre 7 sang-ayon sa Manila Bay Rehabilitation Project at iba pang proyekto sa lugar sa pangunguna ng Environment Department.