Hindi pa rin nahahanap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang anim na mangingisda matapos hampasin ng malalakas na alon dahil sa naranasang mga pag-ulan bunsod parin ng shearline.
Sa datos ng Office of Civil Defense Region 5 at 8, kabilang sa mga mangingisdang nawawala ay residente ng Palapag, Northern Samar, at Dulag, Leyte.
Ayon sa mga otoridad, tinangay ng alon ang mga mangingisdang pumalaot sa gitna ng sama ng panahon kung saan, una nang nagbigay ng gale warning ang PAGASA weather bureau sa mga baybaying dagat na posibleng maapektuhan ng shearline.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng recue operations ang mga tauhan ng NDRRMC para hanapin ang mga nawawalang mangingisda sa nabanggit na lugar.