Muling itinaboy ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang Filipino sa Panatag o Scarborough Shoal, isang linggo bago ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ayon sa mga mangingisda sa bayan ng Infanta, Pangasinan, naganap ang insidente noong Oktubre 3.
Patungo na sana sa Panatag ang mga mangingisda ng Barangay Cato nang harangin ng Tsino na lulan ng rubber boat.
Umaapela naman ang mga taga-barangay Cato kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyang solusyon ang kanilang problema at buksan ang usapin sa oras na bumisita sa Beijing.
By Drew Nacino