Nakabalik na sa Panatag o Scarborough Shoal ang mga mangingisdang Pinoy matapos ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ayon sa mga mangingisda mula sa Brgy. Cato, Infanta, Pangasinan, sumilong sila sa Panatag Shoal upang makaiwas sa bagyong Lawin.
Dito ay hindi sila inatake o pinaalis man lang mga Chinese Coast Guard na nakabantay sa naturang lugar.
Ngunit isang araw bago ang pagpunta ni Duterte sa China ay may nauna nang grupo ng mga mangingisda ang pinalayas sa naturang teritoryo.
Una nang sinabi ni Kabayan Partylist Representative Harry Roque na sa kanyang pagtanto ay mayroon nang nabuong kasunduan ang Pilipinas at China sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
By Rianne Briones
Photo: AP file