Nailigtas ang apat na mangingisda matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka habang pumapalaot sa Palapag, Northern Samar kahapon.
Ayon sa Palapag MDRRMO, unang lumubog ang bangkang may sakay na dalawang mangingisdang kapwa residente ng Barangay Mapno.
Habang ang isa pang bangka ay may sakay rin na dalawang mangingisda na mula naman sa Barangay Monbon.
Agaran namang nasaklolohan ang mga mangingisda at naibalik sa dalampasigan.
Mababatid na umiiral ngayon ang gale warning sa karagatan ng Northern Samar at nakararanas din ang lalawigan ng pabugsu-bugsong pag-ulan bunsod ng Low Pressure Area. —sa panulat ni Hannah Oledan