WALANG duda na si presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang iboboto ng mga taga-Maynila, base na rin sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga tao ng magdaos siya ng caravan doon noong Sabado.
Kasabay nito, sinabi ni mayoralty aspirant Alex Lopez na si Marcos ay nagtataglay ng kakayahan at katangian ng isang mahusay na pangulo.
“He has the vision, he has the heart, he has the willpower … At sa galing niya and sa competence niya, with his vision, I think he will make the best president,” ayon kay Lopez.
Para kay Lopez, ang panawagan ng UniTeam na pagkakaisa ay isang empowerment tool upang makatulong na mapabuti ang buhay ng marginalized sector, na aniya ay napabayaan na ng mahabang panahon.
“We are calling for unity to support BBM and Sara, and we are also calling for change, a drastic change for the people of Manila. It’s about time that we uplift the lives of the poor,” wika niya.
“They have been much neglected, and the marginalized have not been uplifted, so we are moving for marginalized empowerment. You need unity to empower the marginalized,” dagdag pa nito.
Ayon kay Lopez, kahit na ang siyudad ng Maynila ay pinamumunuan ng isa sa mga presidential candidate at maituturing na kanyang balwarte, daan-daang libong supporters pa rin ang mag-aabang sa labas ng kani-kanilang tahanan upang makita si Bongbong.
Suot ang kanilang mga pulang t-shirt, daang libong taga-suporta ng UniTeam ang sumama kay Marcos sa kanyang paglalakbay sa kahabaan ng Parola hanggang Herbosa Street sa Tondo sa loob ng dalawang oras.
Hiyawan at tilian ang sumalubong kay Marcos nang makita siya sa unang pagkakataon, hindi napigilan ng mga tagasuporta ang kanilang paghanga at masayang sumigaw ng “BBM!” tuwing dadaan siya.
Kita ang pagmamahal sa bawat lansangan ng Maynila sa mainit na pagtanggap ng mga suporta kay Marcos. Ilan sa kanila ang nag-abot ng rosas at tila naging fiesta ang kanyang caravan dahil sa mga musiko at taga-suportang sumasayaw sa kanyang bawat daanan.
Ang mga matatandang tagahanga ni Marcos ay halos maiyak sa kagalakan ng makita siya habang winawagayway ang kanilang mga banner at tarpaulin. Kahit mga Grab rider ay napahinto para lang makita ang standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Ilan sa mga supporters ang sumigaw ng: “Walang matutulog sa election! Panalo na tayo!”
Dahil naging mabagal ang pag-usad ng motorcade, nagkaroon ng pagkakataon si Marcos na mapirmahan ang mga dalang T-shirt, tarpaulin at imahe ng mga taga-suporta.
Natapos ang motorcade bandang 5:30 ng hapon.
Si Lopez na ang nanguna sa pagbubukas ng UniTeam headquarters sa Jabaneros, Binondo, Manila.
“We were supposed to cover three districts but only managed one district. We were mobbed every step of the way. We would like to thank the people of Tondo for their warm welcome,” sabi niya.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga taga-suportang naghintay sa mga lugar na hindi na nabisita ni Marcos.
“Alam ko madaming naghintay dahil may mga announcements but we are thankful for their warm reception,” wika ni Lopez.