Nakiisa ang mga Manilenyo sa panawagang pagkakaisa ni presidential bet at dating senador Bongbong Marcos, batay na rin sa mainit na pagtanggap sa kanya nang magdaos siya ng caravan noong sabado.
Ayon kay Mayoralty Aspirant Alex Lopez, walang dudang na si Marcos ang iboboto ng mga taga-Maynila dahil nagtataglay ito ng kakayahan at katangian ng isang mahusay na pangulo.
Mayroon anyang “vision”, puso at “will power” si BBM at sa galing at “competence” nito magiging isa itong mahusay na presidente.
Naniniwala si Lopez na ang panawagan ng Uniteam na pagkakaisa ay isang empowerment tool upang makatulong na mapabuti ang buhay ng marginalized sector na napabayaan na nang mahabang panahon.
Nanawagan din ang mayoralty candidate ng pagkakaisa upang suportahan ang tandem nina BBM At Davao City Mayor Sara Duterte at umaapela ng pagbabago para mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila. – sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 9)