COVID-19 free sa nakalipas na mahigit isang linggo ang National Basketball Association (NBA).
Ito’y ayon sa NBA matapos isalang sa COVID-19 test ang halos 500 o nasa 482 players nitong ika-27 ng Enero at walang nagpositibo sa virus sa mga ito.
Sinabi ng NBA na simula ika-20 ng Enero sumalang sa COVID-19 test ang 492 players at isa ang bumalik dahil sa kumpirmadong positive test.
Ipinabatid ng NBA na isang player na lamang ang babalik ngayong buwan at ibinunyag na 11 manlalaro mula sa 502 na nagpositibo sa COVID-19 mula ika-13 ng Enero hanggang 20 at 16 na players mula sa 497 ang nag-positive sa pagitan ng ika-6 ng Enero hanggang 13 para mabatid kung hanggang saan at kailan maaaring dumiskarte ang lugar para sa mga laro nito ngayong season.
Magugunitang mahigit 20 laro na simula ika-23 ng Disyembre ang ipinagpaliban ng NBA management dahil sa COVID-19 protocols at hanggang buong buwan ng Enero matapos mahigit 20 players din ang nagpositibo sa COVID-19 test.