Ano ang mararamdaman mo kung pagpunta mo sa isang lugar ay sasalubungin ka ng mga mannequin na namumuhay na para bang mga tao?
Katulad na lang sa isang village sa Japan kung saan nagkalat ang mga ito. Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa isang maliit na village ng Ichinono sa Japan, naninirahan ang hindi hihigit sa 60 residente at isang bata.
Ngunit kung para sa karamihan ay ideal ang magkaroon ng kakaunting kapitbahay at tahimik na environment, para sa mga residente sa nasabing village ay mas maganda ang maraming tao.
Kung kaya naman, gumawa sila ng mga manika na kasing laki ng mga tao upang makita at maramdaman ang pagkakaroon ng busy at mataong lugar.
Hindi lang iyan, binihisan pa nila ang mga ito at nakaporma na para bang ginagawa rin ang pang araw-araw na gawain ng mga tao katulad ng pagba-bike, paglalaro sa swing, at paglilinis.
Ayon sa isang 88-year-old resident na si Hisayo Yamazaki, malamang daw ay mas marami na ang mga mannequin kaysa sa kanilang mga tao na nakatira sa village.
Aniya pa, ang mga anak ng mga matatandang residente ay nag-aaral sa mga kolehiyo na isang oras ang layo dahil sa takot na baka hindi na maikasal ang mga ito kung mananatili sa maliit na village.
Ngayon, ang mga anak daw nila ay hindi na muling bumalik pa at nakakuha na ng trabaho sa ibang lugar.
Sinabi naman ng 74-year-old na si Ichiro Sawayama na Head ng Governing Body ng Ichinono, mauuwi na lang daw sila sa extinction kung ang village ay mananatili sa ganoong sitwasyon.
Samantala, nangako naman ang bagong elected na Prime Minister na si Shigeru Ishiba na tutulungan niyang i-expand ang mga rural areas sa Japan kung saan kabilang ang ichinono sa mga komunidadd na may mga residente na 65 pataas.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa kakaibang kwento na ito?