Inihayag ni Pangasinan Governor Amado Espino III na haharangin ng mga otoridad ang mga manok at poultry products na ipapasok sa lalawigan mula sa Region 2.
Ito ay bilang pag-iingat laban sa avian flu virus o bird flu makaraang tumama sa isang lugar sa Isabela.
Matatandaang dalawa sa 200 mga manok ang namatay dahil sa avian flu o H5N1 sa nabanggit na lugar.
Dahil dito, mahigpit na babantayan ng mga otoridad ang bahagi ng TPLEX o Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway at lahat ng kalsada na posibleng gamiting entry points mula sa nabanggit na rehiyon.—sa panulat ni Angelica Doctolero