Nagsimula nang dumating ang mga football fans para sa 2022 FIFA World Cup sa Qatar.
Ito’y matapos luwagan ang COVID-19 restrictions ng qatar nitong a primero ng Nobyembre.
Kabilang sa niluwagan ay hindi na kailangan magpresenta ng negatibong RT PCR test bago bumiyahe pero kailangan pa rin silang magpakita ng vaccination certificate.
Maliban dito, napagkasunduan na rin ng mga opisyal na maaaring isuot na lamang ang facemask kapag pumapasok sa mga health facilities.
Samantala, nakatakdang magsimula ang FIFA World Cup sa November 20 at ito ay magtatapos hanggang Disyembre 18.